NEDA, kumpiyansa sa paglago ng ekonomiya ng bansa sa susunod na taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kumpiyansa ang National Economic and Development Authority (NEDA) na lalago ang ekonomiya ng bansa sa susunod na taon.

Sa kanyang talumpati sa 2024 Economic Outlook Forum, binigyang-diin ni NEDA Secretary Arsenio M. Balisacan ang paglago ng ekonomiya ng bansa na umabot sa 5.9 porsiyento sa ikatlong quarter ng 2023.

Inaasahan din ng NEDA, na aabot sa 7.2% ang paglago ng ekonomiya sa huling quarter ng taon.

Ayon kay Balisacan, sa kabila ng mga pandaigdigang hamon itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga nangungunang bansa sa Asya pagdating sa pag-unlad ng ekonomiya.

Tumututok rin aniya ang gobyerno sa pagbuo ng mga istratehiya upang tugunan ang mga banta sa ekonomiya, at palakasin ang mga infrastructure project na magbibigay ng mas maraming trabaho sa Pilipino. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us