SEC, nagbigay babala sa pag-invest sa mga mapanlinlang na grupo at kompanya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniulat ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang listahan ng mga entity na sinasabing sangkot umano sa mga mapanlinlang na gawain.

Ayon sa SEC, huwag mag-invest sa mga sumusunod:

1. FOTO TRADING INTERNATIONAL

2. HARVESTCTMALL

3. CRYPACE LIMITED / CRYPACE FINANCIAL CONSULTANCY SERVICES

4. DNKC CORPORATION

5. GAINZ PHILIPPINES

6. S&M VENTURES

Sa pahayag ng SEC, ang mga ito ay nangongolekta ng investment mula sa publiko kapalit ng pangakong kita, tubo, o interes.

Pero binigyang-diin ng SEC na ang mga ito ay “Hindi Rehistrado” at “Walang Pahintulot” ng ahensya na mangolekta ng investment mula sa publiko.

Dagdag pa ng SEC, may ilang modus operandi ang ilan sa mga ito na nagpapakita ng mga palatandaan ng “Ponzi Scheme,” kung saan ipinapangako sa mga investor ang mabilis at malaking kita. Ang pondo na ibinabayad sa mga investor ay kadalasang galing sa kontribusyon ng mga sumunod na nag-iinvest, na hindi isang sustainable system lalo na para sa mga sumali sa huli.

Hinihikayat ang publiko na iulat sa SEC ang gayong ilegal na gawain sa Enforcement and Investor Protection Department (EIPD) o iulat ito sa pamamagitan ng tawag sa telepono bilang 8818-6047, pagpapadala ng email sa [email protected], o pagbisita sa EIPD sa kanilang tanggapan sa lungsod Makati. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us