Umarangkada na ang motor vehicle registration caravan ng Land Transportation Office sa Quezon City kahapon.
Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza, isang hakbang ito ng ahensya upang himukin ang mga may-ari ng 24.7 delinquent motor vehicles na ipa-renew ang kanilang registration.
Pinangunahan ni Mendoza ang kick-off ng caravan ng LTO-National Capital Region sa Barangay Lipunan sa Quezon City.
Bahagi ito ng “Oplan Balik Rehistro, Be Road Ready” program matapos mabunyag ang tinatayang 65 percent ng motor vehicles sa buong bansa ang may expired registration.
Bukod sa motor vehicle registration caravan, tinatanggap din ang renewal ng expired driver’s licenses.
Sa unang araw ng motor vehicle registration caravan, may kabuuang 56 na driver’s licenses ang narenew habang 24 na delinquent motor vehicle owners ang narenew din ang rehistro ng kanilang sasakyan.
Ipinag-utos din ni Mendoza sa Regional Directors at District Office heads na maglagay ng priority lanes para sa registration ng delinquent motor vehicles. | ulat ni Rey Ferrer