QR at beep lanes sa mga piling LRT-1 stations sinimulan ng LRMC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinagawa ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ngayong linggo ang piloting ng mga QR at beep lanes nito sa mga piling istasyon ng LRT-1.

Ilang sa mga istasyon kung saan kasalukuyang may mga QR at beep lanes ay sa EDSA, Libertad, Quirino, Monumento, Balintawak, at Fernando Poe Jr. station.

Layunin ng mga special lanes na ito na mapabilis ang proseso ng pagpasok sa mga istasyon para sa mga gumagamit ng QR ticket at beep, na diretsong makakapasok mula sa security patungo sa turnstiles, na nakakabawas ng haba ng pila.

Hinihikayat ng LRMC ang mga pasahero na gamitin ang mga lanes na ito para sa mas mabilis na access sa mga platform at bigyang diin ang mga benepisyo ng contactless transaction.

Ayon sa LRMC, maaaring bilhin ng mga commuters ang kanilang LRT-1 QR tickets gamit ang ikotMNL app at Maya app, habang ang mga gumagamit ng beep naman ay nakakatanggap ng diskuwento sa kanilang pamasahe.

Ang paglo-load naman ng mga stored value card ay maaaring gawin sa pamamagitan ng beep app at e-tap loading kiosks sa lahat ng istasyon ng LRT-1.

Nataon rin ang nasabing pilot run na ito ngayong holiday season kung saan inaasahang marami sa ating mga kababayan ang gumagamit ng mga tren dulot ng Christmas rush. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us