Umaasa ang National Economic and Development Authority o NEDA na magiging maganda ang economic output ng bansa para sa 2023.
Sinabi ni NEDA Undersecretary Rosemarie Edillion, posibleng maabot ng bansa ang target na 6% na paglago ng ekonomiya.
Bunsod aniya ito ng magandang bilang ng employment at pagtaas ng purchasing manager index.
Maganda rin ang nangyari sa pagpasok ng 2023 dahil nagumpisa nang makarekober ang mga sektor na lubhang tinamaan ng COVID-19 restriction.
Kinakailangang lang sa ngayon na maibalik ang sigla ng international tourism na patuloy pa ring bumabangon mula sa pandemia. | ulat ni Rey Ferrer