Barko ng Pilipinas na bahagi ng resupply mission para sa BRP Sierra Madre, binangga at binomba ng tubig ng China Coast Guard sa bahagi ng Ayungin Shoal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpira ni Commodore Jay Tariella, ang Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea, ang panibagong insidente ng pag-water canon at pagbangga ng sasakyang pandagat ng China Coast Guard sa rotation and reprovisioning (RORE) mission ng Pilipinas para sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ayon kay Commodore Tariella, habang nagsasagawa ng regular resupply mission ang barko ng Pilipinas na BRP Cabra kasama ang civilian vessels na Unaizah Mae 1 at M/L Kalayaan, panibagong aggression muli ang dinanas nito sa ilalim ng Chinese Coast Guard kung saan muling winater cannon ang barko ng Pilipinas na nagresulta sa pinsala sa engine ng M/L Kalayaan.

Pinabulaan din ni Tariella, ang alegasyon ng CCG, dahil ang vessel umano ng China ang bumangga sa Unaizah Mae 1.

Ang ulat na ito, ay panibago muli sa mga aggression ng China sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas na sakop ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa na sang-ayon na rin sa 2016 UNCLOS Arbitral Award. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us