Higit 3.8 milyong pasahero, naitala sa NAIA noong buwan ng Nobyembre; surge ng mga pasahero inaasahan na rin ng MIAA ngayong Disyembre

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniulat ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang malaking pagtaas sa bilang ng mga pasahero nito lamang Nobyembre 2023 kung saan umabot sa higit sa 3.8 milyon na biyahero ang kanilang naitala.

Ayon sa MIAA, ipinakita nito ang 23% na pag-akyat ng mga pasahero o 97% na pagtaas kumpara noong panahon ng kasagsagan ng pandemya.

Sa pahayag ni Bryan Co, ang Officer-in-Charge ng MIAA, kumpiyansa sa kakayahan ng NAIA na matugunan ang kanilang projection ng 45 milyong pasahero at kabuaang bilang ng biyahe sa 275,000 sa dulo ng taon.

Sa kabuaan umaabot na sa 41,213,734 na pasahero at 254,174 na biyahe na naitala na sa loob pa lamang ng 11 buwan, at inaasahan na tataas pa ito dahil sa surge ng mga pasahero ngayong buwan ng Disyembre.

Samantala, umabot sa 81% noong Nobyembre ang On-time Performance (OTP) sa NAIA, na nagpapakita ng pag-angat mula sa 60% noong Hunyo. Dito nakuha ng Philippine Airlines kasama ang PAL Express ang pinakamataas na average OTP para sa mga local carriers sa 84%, habang 83% naman sa Cebu Pacific Air kasama ang CebGo flights, at 77% naman sa AirAsia Philippines.

Nakuha naman ng Ethiopian Airlines ang pinakamataas na On-Time Performance sa 100% sa 34 nitong flights na sinundan naman ng ZIPAIR sa 98% sa 60 nitong flights. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us