Maritime Consultancy Firm, ipinasara ng Dept. of Migrant Workers dahil sa kawalan ng lisensya

Facebook
Twitter
LinkedIn
Photo courtesy of Department of Migrant Workers

Ipinag-utos ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople ang pagpapasara sa isang maritime consultancy firm sa Sta. Cruz, Maynila, na sinasabing sangkot sa illegal recruitment.

Pinangunahan ng Migrant Workers Protection Bureau na dating Anti-Illegal Recruitment Branch ang pagkandado sa JCB-Success Maritime Consultancy Services.

Batay sa reklamo ng isang Manuel Jericho Ramos, nag-apply siya bilang engine cadet na ipinost ng JCB noong Setyembre 2021, subalit hiningan siya gayundin ang tatlong iba pang aplikante ng P75,000 bilang placement fee .

Tumagal ng tatlong buwan subalit hindi pa rin sila nakaaalis, at sa halip na bigyan ng update ay inalok pa sila ng nasabing kumpaniya ng ibang trabaho .

Bagaman natanggap na ng biktima ang kaniyang travel documents, lumabas na peke pala ang mga ito na siyang dahilan upang dumulog na sa DMW noong isang taon.

Matapos ang isinagawang surveillance ay nakumpirma ng DMW na iligal na nagre-recruit ang JCB kaya’t nagsagawa na sila ng mga ligal na hakbang laban dito.

Panawagan naman ng DMW, huwag basta-basta maniniwala sa mga recruitment agency na nag-aalok ng trabaho kapalit ng placement fee para makaalis. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us