Patuloy ang pag-abot ng suporta at tulong ng isang non-government organization (NGO) sa mga Pilipino expatriates sa Southern Israel sa kabila ng gulo na nararanasan doon.
Sa isang courtesy call kay Philippine Ambassador to Israel Pedro “Junie” Laylo Jr., ibinahagi nito ang pagbibigay tulong ng non-government organization na Operation Blessing sa pakikipagtulungan sa National Alliance of Filipino Communities (NAFILCO-Israel) sa mga Pilipino na nagtatrabaho pa rin sa nasabing bansa sa kabila ng sigalot sa lugar.
Ang Operation Blessing, isang non-profit na organisasyon, ay kamakailang nakipag-partner sa Remitly, isang online remittance center, upang tugunan ang agarang pag-address ng mga pangangailangan sa mga komunidad sa Israel na apektado ng giyera. Maliban dito ay nag-aalok din ang grupo ng mga aktibidad tulad ng psychological activities at spiritual counseling para sa mga apektado ng patuloy na krisis.
Sa inilabas na pahayag ni Ambassador Laylo, ibinahagi rin nito ang mga paraan para sa mga nais magbigay ng tulong o nais pang makaalam sa mga aktibidad ng Operation Blessing sa pamamagitan ng pag-follow dito sa Facebook, X, at Instagram, sa @operationblessingph.| ulat ni EJ Lazaro