41 sako ng assorted residual wastes, napulot ng mga kabataan kasama ang CENRO AT PENRO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matagumpay na nilinisan ng mga miyembro ng Asez Wao-isang International Young Adult Worker volunteer group, kawani ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) at Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) ang ilalim ng Gilbert Bridge sa Laoag.

Ito ay matapos isinagawa kaninang umaga, December 10, ang clean up campaign no more Great Pacific Garbage Patch (GPGP).

Ayon kay Ms. Jimple Rarangol ng nasabing international group, mga plastic bottles at iba’t ibang recyclable plastics at residual waste ng napulot nila sa naturang lugar.

Umabot sa 70 young adult ang nakibahagi sa aktbidad kasama sina Laoag City ENRO Officer Mylene Isabel Pascual, Ms. Angelica Jacinto at Ms. Joana Maria Layaoen ng PENRO.

Nagpapasalamat si Pascual sa naturang hakbang ng grupo upang makatulong sa kampaya ng LGU na isulong ang kalinisan at pangangalaga ng kapaligiran.

Itinapon ang mga basurang hindi nare-recycle sa sanitary landfill ng lungsod habang ipinamigay sa mga mangangalakal ang mga recyclable plastics upang ibenta ang mga ito sa junk shop.| ulat ni Ranie Dorilag| RP1 Laoag

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us