Oras ng aktibidad ng mga estudyante ngayong tag-init, iminumungkahi ni Sen. Villanueva na i-adjust

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinakokonsidera ni Senate Majority Leader Joel Villanueva sa Department of Education (DepEd) ang pag-aadjust ng oras ng mga aktibidad ng mga estudyante lalo na ngayong summer season.

Ito ay kasunod na ng napaulat na pagkakaospital ng higit 100 estudyante sa Laguna, matapos himatayin dahil sa sobrang init ng panahon sa isinagawang fire drill ng isang paaralan.

Ipinunto ni Villanueva na batay sa Republic Act 11480, may probisyon sa batas na maaaring i-adjust ng Pangulo ang school calendar depende sa magiging rekomendasyon ng Kalihim ng Department of Education.

Iminungkahi rin ng senador na gawing bahagi ng protocol sa mga paaralan, na tuwing may outdoor activity o sports activity ang mga estudyante ay tingnan muna ang lagay ng panahon sa araw na iyon, at tiyaking hindi sobrang init sa labas.

Aniya, hindi dapat balewalain ang tindi ng init ng panahon ngayon.

Binigyang diin ng mambabatas, hindi dapat napapahamak ang mga estudyante sa kanilang school activities at dapat palaging unahin ng mga paaralan ang kapakanan at proteksyon ng mga estudyante. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us