Nasa dalawa na lamang ang aktibong guerilla fronts sa Pilipinas, mula sa orihinal na 89, noong bago magsimula ang operasyon ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), taong 2018.
Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni NTF-ELCAC Secretariat Ernesto Torres Jr. na mula sa bilang na ito, sa kasalukyan nasa 15 grupo naman ang maituturing na mahina na.
On track ang pamahalaan sa target nito na mabuwag na ang mga guerilla front na ito, lalo’t patuloy na lumalakas ang laban ng pamahalaan kontra insurhensiya.
Ngayong taon aniya, marami pang inaasahaang probinsya at rehiyon ang maidideklarang insurgency free na.
Marami na aniya ang nagdeklara ng stable at ready na para sa development.
Kabilang na dito ang buong Region I at Davao Region. Habang ang Palawan aniya, handa na ring maideklara bilang insurgency free. | ulat ni Racquel Bayan