Muling namahagi ng mga makinarya ang Department of Agriculture (DA) sa mga kwalipikadong Farmers’ Cooperative and Association sa Science City of Muñoz, Nueva Ecija.
Sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), nabigyan ng 125 units ng makinarya ang mga magsasaka sa nabanggit na lalawigan.
Pinangunahan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang pagturn-over sa mga kagamitan na nagkakahalaga ng P398.5-million.
Kinabibilangan ito ng limang units ng four wheel tractors; siyam na units ng walk behind transplanters; 21 units ng riding type transplanters; 4 units ng precision seeders; 22 units ng rice combine harvesters; 9 units ng single-pass rice mills; 13 units ng six-ton recirculating dryers; 13 units ng twelve-ton recirculating dryers; 4 units ng 1.5-ton per hour ng multi-stage rice mills at iba pa.
Layon ng hakbang na maging moderno ang pagproseso ng mga produkto sa mga lalawigan, matulungan at maiangat ang pamumuhay ng mga magsasaka at mapalaki ang kanilang kita. | ulat ni Rey Ferrer