Bukas ang Maharlika Investment Corporation (MIC) na mamuhunan sa pagpapalakas ng food security ng bansa.
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, nakausap niya si MIC President at CEO Joel Consing at sinabi nito na tinitingnan nila ang pagkakaroon ng Public-Private Partnership para sa pagtatayo ng mga patubig at dam sa bansa.
Katunayan, isa aniya sa kanilang tinitingnan ay ang expansion ng Magat Dam upang madoble ang produksyon ng palay at makadagdag sa rice sufficiency.
Bago ito, inanunsiyo ng House leader na bahagi ng 2024 General Appropriations Bill ang dagdag na pondo para sa irigasyon, water reservoir at solar fertigation upang mapataas ang produksyon ng pagkain sa bansa.
Ito aniya ay maliban pa sa pagbibigay suporta sa rice farmers gaya ng libreng binhi, abono, makinarya at pagbili ng kanilang mga ani at produce. | ulat ni Kathleen Forbes