Nagtulungan ang DENR-Community Environment and Natural Resources Office o CENRO Lipa at Palawan Pawnshop sa pagtatanim ng isang milyong puno.
Ayon sa pabatid ng DENR Calabarzon, sa ilalim ng One Million Tree Project: Handog ng Palawan Pawnshop sa Kalikasan, isinagawa ang serye ng tree planting activities noong Agosto, Setyembre, Oktubre, at Nobyembre.
Mga punla ng molave at narra ang itinanim sa iba’t ibang planting sites na sakop ng CENRO, kabilang ang Mt. Malarayat Forest Reserve at Mt. Gulugod Baboy.
Nilalayon ng aktibidad na suportahan ang inisyatibo ng pamahalaan na muling payabungin ang mga kagubatan sa pamamagitan ng pagtatanim ng isang-milyong endemic hardwood trees sa iba’t ibang bahagi ng bansa. | ulat ni Mara Grezula | RP1 Lucena
Photos: DENR IV-A