Inanunsyo ngayon ng Tiger Resort Leisure & Entertainment, Inc. (TRLEI), ang may-ari at operator ng Okada Manila Integrated Casino, Hotel, and Entertainment Complex na malapit na nitong matapos ang pag-develop sa Emerald Bay Resort sa Cebu.
Ito’y matapos silang pumasok sa isang exclusive partnership sa Lapu-Lapu Leisure, Inc. (LLI) at Lapu-Lapu Land Corp. (LLC), na tumatayong subsidiaries ng PH Resorts Group Holdings, Inc.
Ayon kay Byron Yio, Presidente at Chief Operating Officer ng Tigers Resort and Leisure Entertainment Inc., ang pagbili sa Emerald Bay Resort ay bahagi ng kanilang pagpapalawak ng negosyo sa bansa tulad ng Cebu.
Ang nasabing resort project sa Mactan Island ay planong gawing five-star hotel na may 300 meters beachfront, dalawang 15-storey towers na may 642 rooms, apat na swimming pools, 18 food and beverage outlets, retail spaces, conference and exhibition facilities, large-scale gaming floor na may 700 electronic gaming machines at mahigit 140 tables.
Ibinahagi din ni Yip ang pangarap ng kanilang kumpanya na magtayo ng “iconic, luxurious five-star integrated resort sa Cebu, na magiging premier entertainment destination ng bansa sa labas ng Entertainment City.
Kabilang sa mga kasunduan ng Okada Manila at PHR’s operating subsidiaries na bilhin ang majority ownership ng Lapu-Lapu Leisure Inc., at Lapu-Lapu Land Corp. ang pagpapaganda at pagpapaunlad ng Emerald Bay Resort.
Umaasa naman si PHR Chairperson Dennis A. Uy na ang kanilang pakikipagsosyo nila sa Okada Manila ay makakatulong sa pagpapaunlad ng Cebu Province at makakatulong sa dagdag trabaho ng mga Cebuano. | ulat ni Michael Rogas