Mayorya ng mga mambabatas ang pumabor para pagtibayin sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 9682.
Sa ilalim nito, isasabatas na ang pagkakaloob ng “teaching supplies allowance” para sa mga guro sa mga pampublikong paaralan sa bansa.
Sa paraang ito ay mababawasan ang pasanin sa pera ng mga guro.
Oras na maging ganap na batas, ang bawat guro ay bibigyan ng P7,500 para sa school year 2024-2025.
Pagsapit naman ng school year 2025-2026 at mga susunod na taon, P10,000 na ang ibibigay na allowance.
Exempted sa income tax ang teaching supplies allowance. | ulat ni Kathleen Jean Forbes