QC LGU, nagsagawa ng surprise inspection sa ilang supermarket sa lungsod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkasa ng surprise visit ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa ilang supermarket sa lungsod upang bantayan ang presyuhan ng ilang ibinebentang Noche Buena items at masigurong sumusunod ang mga ito sa patakaran ng LGU.

Pinangunahan mismo ni QC BPLD head Margie Santos, kasama ang mga kinatawan mula sa Department of Trade and Industry (DTI) at Market Development and Administration Department (MDAD) ang pag-inspeksyon sa mga produktong madalas ipanghanda tuwing Pasko.

Kasama sa sinilip ang ilang supermarket sa
Muñoz, Quezon City.

Bukod naman sa price at supply monitoring ng Noche Buena items, sinilip rin ang business permits ng mga ito para matiyak na ang business owners ay registered at umaaayon ang presyo nila sa Suggested Retail Price (SRP). | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us