Iwas paputok campaign, isinagawa ng BAN Toxics

Facebook
Twitter
LinkedIn

Habang papalapit ang Kapaskuhan at pagdiriwang ng Bagong Taon, inilunsad ng Toxics watchdog group na BAN Toxics ang panibagong ‘Iwas Paputok’ campaign nito sa Toro Hills Elementary School sa Quezon City.

Layon nitong palawakin pa ang kampanya sa pagtutulak ng isang toxic-free at waste-free Christmas at New Year celebration.

Nasa 2,000 ang nakibahagi sa ikinasang community parade kasama ang ilang school at local officials, mga kinatawan ng Philippine National Police at Bureau of Fire Protection, at mga estudyante.

Ayon kay Thony Dizon, Toxics campaigner ng BAN Toxics, kailangang paigtingin ang pagpapalaganap ng impormasyon sa panganib na dala ng mga paputok lalo na sa mga kabataan.

“We need to continue public awareness regarding the health hazards posed by firecrackers and fireworks, particularly among children. These festive items pose significant health concerns among children due to the presence of toxic chemicals that can severely harm the nervous and respiratory systems,” ani Dizon.

Imbes na gumamit ng paputok, patuloy na iminumungkahi ng BAN Toxics ang paggamit ng mga alternatibong pampaingay na mas ligtas sa publiko at kapaligiran. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us