Nakapagtala ng bahagyang pagtaas ng kaso ng COVID-19 ang lungsod ng Iloilo ngayong holiday season, ayon sa City Health Office (CHO).
Ayon kay Dr. Jan Reygine Ansino, Medical Officer ng Iloilo City Epidemiological Surveillance Unit (CESU), umabot na sa 63 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Iloilo City as of December 12.
Base sa datos ng CESU, ang bahagyang pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay naitala noong huling linggo ng Nobyembre hanggang Disyembre kung saan umabot sa 20 kaso ang naitala na daily average case.
Inihayag ni Ansino na ilan sa mga rason ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 ngayong HOLIDAY SEASON ay ang kabi kabilang mga Christmas at business parties, conventions at travels. Isa rin sa mga rason ay ang hindi na paggamit ng face mask ng publiko.
Mula Enero 1 hanggang Disyembre 12, umabot na sa 1,211 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod. Sa nasabing numero, 1,125 ay naka-recover na at 24 ang naitalang fatalities.
Pinakaapektadong age group ay ang mga edad 21 to 30 years old.
Bagama’t may pagtaas ng kaso ng COVID-19, karamihan naman sa mga kaso ay mga mild to moderate cases at walang severe cases.
Dahil sa bahagyang pagtaas ng kaso ng COVID-19, maigting na kinakampanya sa lungsod ang maagang pagpapakonsulta sa mga health centers tuwing makararanas ng sintomas ng COVID-19 o flu-like symptoms.
Iniengganyo naman ng CHO ang publiko na magsuot ng fqce mask kung lalabas mga matataong lugar. | ulat ni Emme Santiagudo | RP1 Iloilo