Sinimulan na ng Department of Agriculture ang Php2.43
bilyong irrigation project sa Dona Remedios Trinidad, Bulacan.
Pinangunahan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang ground breaking ceremony sa Small Reservoir Irrigation Project (SRIP) sa Brgy. Bayabas sa nasabing bayan.
Kasabay nito pinasinayaan din ng DA ang Php1.28 bilyong Balbalungao SRIP sa Lupao, Nueva Ecija, at ang pag-turnover sa Subic ng unang batch ng heavy equipment na binili ng National Irrigation Administration (NIA).
Sakop ng Balbalungao SRIP ang 976.2 ektarya at makikinabang ang 560 magsasaka.
Ang turnover sa Subic ay bahagi ng tatlong taong Php2.59-bilyong re-fleeting program ng NIA .
Samantala, ang Bayabas SRIP ng NIA ay magpapatubig sa 150 ektarya ng mga bagong lugar at 27,828 ektarya sa 17 bayan sa Bulacan at Pampanga.| ulat ni Rey Ferrer