Nakabalik na sa Pilipinas ngayong araw ang nasa 18 Pilipino na naipit sa gulo sa pagitan ng Israeli Forces at ng Lebanese Militant Group na Hezbollah.
Sakay ang mga naturang Pilipino ng Qatar Airways flight QR932 mula sa Doha na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 kaninang alas-4:11 ng hapon.
Sinalubong sila ni Assistant Sec. Felecitas Bay ng Department of Migrant Workers (DMW), at mga kinatawan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon sa DMW, aabot na sa 82 na ang mga OFW ang napauwi na sa bansa habang 28 rito ang mga Pilipinong naninirahan sa Lebanon ang umuwi na.
Bahagi naman ito ng 300 Pilipino na nagpahayag na ng kanilang intensyon na umuwi sa Pilipinas bunsod ng nararanasang gulo sa nasabing bansa.| ulat ni Jaymark Dagala