Kinilala ng National Housing Authority (NHA) ang mga katuwang nito mula sa pampubliko at pribadong sektor sa pamamagitan ng Convergence of Partners.
Ang pagdiriwang na ito ay paraan ng ahensya upang ipakita ang pasasalamat para sa oras na ibinigay ng mga ito bilang suporta sa implementasyon ng iba’t ibang serbisyo, at programang pabahay ng NHA.
Pinangunahan nina NHA General Manager Joeben Tai at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar ang pamimigay ng award bilang pagkilala sa mga katuwang na ahensya sa pagpapaunlad ng komunidad.
Dagdag pa rito, isinagawa ang panunumpa sa pakikiisa para sa tuloy-tuloy na kolaborasyon.
Binanggit din ni GM Tai ang posibleng pagtatatag ng isang programang pabahay para sa Cooperative Development Authority (CDA). Isang programa na nais niyang ihatid para sa mga empleyado ng iba pang mga ahensyang katuwang ng NHA sa susunod na mga taon.
Samantala, ipinahayag din ni DHSUD Secretary Acuzar ang kanyang kasiyahan sa mga tagumpay ng NHA bilang pagtulong sa implementasyon ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program (4PH) ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Kabilang sa binigyan ng parangal at dumalo ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD); Commission on Population and Development (CPD); Cooperative Development Authority (CDA); Department of Agriculture-Bureau of Plant Industry (DA-BPI); Department of Information and Communications Technology (DICT); Department of Labor and Employment-Bureau of Local Employment (DOLE-BLE); Department of Science and Technology (DOST); Department of Social Welfare and Development (DSWD); National Irrigation Administration (NIA); Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO); Social Security System (SSS); Department of National Defense (DND); Philippine National Police (PNP); National Dairy Authority (NDA); ATEC Technological College; Field of Dreams Marketing; James Hardie Philippines Inc.; at Pilmico Foods Corporations. | ulat ni Rey Ferrer