Ibinida ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang mga hakbang na nagawa ng pamahalaan upang palaguin ang ekonomiya ng bansa sa nakalipas na taon.
Ito ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan ay sa kabila ng mga hamong kinaharap ng bansa partikular na ang epekto ng El Niño Phenomenon, Inflation at iba pa.
Sa isinagawang Year End Press Chat ng NEDA sa Pasig City ngayong araw, sinabi ni Balisacan na marami pang industriya ang nangangailangan ng ibayong pagtutok na makatutulong para makahiyakat ng mga mamumuhunan.
Kasunod nito, tiwala si Balisacan na gaganda pa ang kalagayan ng labor force ng bansa matapos maitala ng Philippine Statistics Authority o PSA ang pagbaba ng unemployment rate ng bansa.
Ito’y dahil sa ganap nang isasagawa ang nilagdaang Public Private Partnership code na siyang gagarantiya ng mas maraming negosyo at mamumuhunan, na siyang magbibigay ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino. | ulat ni Jaymark Dagala