Bukas si Senate Minority leader Koko Pimentel sa ideya ng pag-amyenda ng Saligang Batas pero limitado lang aniya para sa adoption ng pederalismo.
Gayunpaman, hindi naman pabor si Pimentel sa iba pang usaping pulitikal na aniya’y mababaw lang, gaya ng term limit.
Tutol rin aniya ang minority leader kung ang plano ay amyendahan ang Saligang Batas para maipagbili sa mga dayuhan ang mga lupa at mineral resources ng bansa.
Giniit ni Pimentel na lagi namang nararapat na rebyuhin ang konstitusyon ng bansa basta’t tapat at marangal ang motibo sa pagsusulong nito.
Binigyang diin rin ng senador na dapat kabahagi ang dalawang kapulungan ng kongreso sa magiging proseso at dapat ring hiwalay ang magiging botohan ng Senado at Kamara.
Kung siya aniya ang tatanungin, mas nais niyang gawin ito sa pamamagitan ng Con-Con (constitutional convention) ito gawin pero aminado ang mambabatas na mapapagastos ang gobyerno sa paraang ito.| ulat ni Nimfa Asuncion