Layuning nitong makamit ang tuloy-tuloy na komunikasyon at coordination lines sa panahon ng kalamidad, binigyang katuparan ng Department of Information ad Communications Technology o DICT-Caraga katuwang ang United Nations Development Program o UNDP, ang instulasyon ng Very Small Aperture Terminal o VSAT units sa mga disaster prone at highly vulnerable na mga lugar sa rehiyong Caraga.
Ang VSAT ay garantisadong magkakaroon ng koneksiyon ang mga rural, coastal at kahit mga isla sa rehiyong Caraga.
Aypn kay DICT Caraga Regional Director Sittie Rahma Alawi, naging leksiyon ang super typhoon Odette, na nag resulta sa pagkawala sa lahat ng klaseng komunikasyon, at sa pamamagitan nitong mga VSAT, nabigyan ng resilient communication system ang mga disaster prone areas na LGUs.
Sa kasalukuyan, nasa dalawampung lugar na sa Caraga ang nagkaroon ng VSAT, kasama na rito ang tatlong lugar sa Surigao del Sur bago pa man ang magnitude 7.4 na lindol.
Ang VSAT ay makapagpalakas sa kahandaan at emergency response sa nasabing mga lugar
Mayroon ding itilagang team ang DICT Caraga para isigurong fully functional ang nga VSATs. | ulat ni Jocelyn Morano | RP1 Butuan
📸 DICT Caraga