Nakatanggap ang dalawampu’t pitong pamilya ng peacebuilders na miyembro ng Nagkakaisang Agricultural Cooperative (NNAC) sa Kauswagan Village sa Brgy. Cablangan, Mondragon, Northern Samar ng apat na daan na ready-to-lay white chickens at isang daang dalawamput pitong sako ng layer feeds para sa pagsuporta sa kanilang matahimik na pamumuhay kasama ang mga mamamayan.
Ang nasabing tulong ay pinondohan sa ilalim ng Special Area for Agricultural Development (SAAD) Project ng Department of Agriculture- Eastern Visayas.
Samantala, nagpahayag naman ang pamahalaan ng Northern Samar na ang Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF ELCAC) sa pamumuno ni Gov. Edwin Ongchuan ay patuloy ang pagsusumikap na mapanatili ang kapayapaan sa lalawigan sa pamamagitan ng pagbigay ng tulong sa mga former rebels. | ulat ni Suzette Pretencio | RP1 Calbayog
Photos: The Provincial Government of Northern Samar