Nagbabala ngayon ang PNP Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (PNP-SOSIA) sa lahat ng mga security guards na masasangkot sa indiscriminate firing ngayong holiday season.
Batay sa memorandum na pirmado ni SOSIA Acting Chief Police Brigadier General Gregory Bogñalbal, pinaalalahanan ang mga private security personnel sa bansa na i-obserba ang safety protocols sa paghawak ng baril.
Lumalabas kasi sa records ng tanggapan, na may ilang security guard ang nasangkot na sa indiscriminate firing habang nasa kanilang tungkulin.
Maaaring kanselahin ang lisensya ng sinumang security guard na lalabag sa kautusan, bukod pa sa pagsasampa ng kasong kriminal laban sa kanila. | ulat ni Leo Sarne