Nag-usap kahapon sa telepono sina National Security Advisor Eduardo Año, US National Security Advisor Jake Sullivan, at Japanese National Security Advisor Akiba Takeo.
Dito’y tiniyak ng tatlong opisyal ang commitment ng kani-kanilang mga bansa sa freedom of navigation at international law sa West Philippine Sea (South China Sea) at East China Sea; at pagtataguyod ng kapayapaan at stabilidad sa Indo-Pacific region.
Nagpahayag ang mga opisyal ng pagkabahala sa mapanganib at iligal na pagkilos ng China sa Second Thomas Shoal (Ayungin Shoal) at Scarborough Reef (Bajo de Masinloc) nitong weekend at nanawagan sa China na respetuhin ang July 2016 Arbitral Tribunal ruling.
Tiniyak naman ni NSA Sullivan kay Sec. Año at Takeo ang commitment ng Estados Unidos sa kanyang alyansa sa Pilipinas at Japan.
Nagkasundo naman ang tatlong opisyal na palakasin ang trilateral cooperation sa larangan ng depensa at seguridad, cyber security, pagtataguyod ng bukas na maritime order, humanitarian assistance and disaster relief; at pagsulong ng bukas at patas na economic order. | ulat ni Leo Sarne