Inaprubahan at niratipikahan na ng Senado ang Bicameral Conference Bommittee version ng panukalang Magna Carta of Filipino Seafarers na magproprotekta sa karapatan ng mga Pinoy Seafarer.
Ayon kay Senate Committee on Migrant Workers Chairperson Raffy Tulfo, sa ilalim ng reconciled version ng panukala ay magiging entitled ang mga Pinoy seafarer ng annual leave na katumbas ng 3.5 calendar days kada buwan ng kanilang employment.
Institutionalize rin aniya nito ang shipboard training na imo-monitor naman ng Maritime Industry Authority.
Sinabi ni Tulfo na matutugunan nito ang concern tungkol sa credentials ng ating mga marino at ang pagsundo sa Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers (STCW).
Iginiit ng senador na bahagi ito ng pagsunod ng ating bansa sa commitment sa European Maritime Safety Agency (EMSA).
Dinagdag pa ni Tulfo na ang bicam version ng panukala ay isang win-win solution para sa shipping companies at mga marinong mayroong disability claims dahil sa pagkakaroon ng bond.
Ang naturang bond aniya ay ipo-post lang para sa disputed portion ng monetary award at kung manalo sa kaso ang marino ay mare-reimburse sa kaniya ang halaga ng paglalagay ng bond. | ulat ni Nimfa Asuncion