Umaasa si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. sa suporta ng pribadong sektor para mapabilis ang modernisasyon sa agri sector partikular sa pagpapaangat ng produksyon at food security.
Sa isinagawang National Agriculture and Fisheries Volunteers’ Day celebration, ipinunto ng kalihim na mahalaga ang kolaborasyon ng gobyerno at pribadong sektor para makabuo ng mga polisiya at programa tungo sa mas sustainable na development sa naturang sektor.
Mula nang maupo sa pwesto, naging abala na si Sec. Laurel sa pakikipagpulong sa iba’t ibang grupo kasama ang investors, at industry experts upang mahikayat silang suportahan ang gobyerno at makamit ang food self-sufficiency, gayundin ang mabawasan ang agricultural products importation, at mahikayat ang kabataan na huwag talikuran ang agrikultura.
“Prompting people participation and ensuring sustainable development through sound policy recommendations are key factors that we can embrace to maintain a functional and holistic approach in dealing with the sector’s challenges,” ani Laurel.
Kaugnay nito, sinabi rin ni Sec. Laurel na maaaring tumulong din sa pamahalaan ang pribadong sektor sa policy at project monitoring nito. | ulat ni Merry Ann Bastasa