Isang pagkakataon sa pagdalo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ASEAN -Japan Commemorative Summit ang madetermina ang estado ng mga kasunduan at pledges na nalagdaan noong kanyang naging working visit sa Tokyo nuong Pebrero.
Mangyayari ito sa roundtable meeting na naka- schedule bukas na kung saan ay malalaman ang progreso ng mga nalagdaang kasunduan at pledges.
Sinasabing umabot sa 35 investment deals na nagkakahalaga ng 13 billion US dollars o 708.2 billion pesos ang napagkasunduan nuong working visit ni Pangulong Marcos noong Pebrero.
Tinatayang nasa 24,000 trabaho ang malilikha ng nabanggit na bilang na investment deals para sa mga Pilipino. | ulat ni Alvin Baltazar