Inaprubahan na ng Pag-IBIG Fund ang P929-milyon na revolving credit line para sa Social Housing Finance Corporation (SHFC) na inaasahang magpapatatag sa implementasyon ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (4PH) Program ng pamahalaan.
Ang nasabing halaga ay magbubukas ng pinto para sa konstruksyon ng 2,264 housing units sa mga lugar sa Pampanga, Maynila, Misamis Oriental, at Davao City.
Nagpahayag naman ng kanyang kasiyahan si Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar sa ginawang hakbang na ito ng Pag-IBIG para sa pagsulong ng abot-kayang pabahay para sa mga Pilipino.
Siniguro naman ni Pag-IBIG CEO Marilene Acosta ang suporta ng kanilang ahensya sa SHFC at ang kanilang commitment sa administrasyong Marcos upang ma-address ang backlog sa pabahay sa ilalim ng 4PH program. | ulat ni EJ Lazaro