Kasama ang isyu sa West Philippine Sea (WPS) sa mapag-uusapan sa nakatakdang Commemorative Summit for the 50th year of ASEAN – Japan Friendship and Cooperation na dadaluhan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Bukod dito ay ilang mga international development din ang matatalakay sa nabanggit na event na may bearing o epekto sa ASEAN.
Tatalakayin din sa Commemorative Summit ang iba pang usapin hinggil sa East China Sea, sitwasyon sa Myanmar habang mapag- uusapan din ang tungkol sa North Korea.
Ang mga ito ay bahagi ng session sa Summit kung saan rerepasuhin ang ASEAN -Japan relations, international at regional developments.
Inaasahan namang maglalabas ng joint statement tungkol dito ang mga bansang nakikilahok sa nasabing international event kasama na ang Pilipinas sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ang Pangulo kasama ang Philippine delegation ay makikilahok sa ASEAN – Japan Friendship and Cooperation Commemorative Summit mula Disyembre 17 hanggang 18. | ulat ni Alvin Baltazar