Pagdalo ni PBBM sa Tokyo Summit, may malaking impact sa pagtiyak ng kapayapaan at pag-usad ng progreso sa PH, at buong ASEAN Region

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang-diin ngayon ni Speaker Martin Romualdez ang malaking kahalagahan ng paglahok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isinasagawang Commemorative Summit na siyang ring ika-50 anibersaryo ng ASEAN-Japan Friendship and Cooperation.

Aniya ipinapakita nito ang taimtim na commitment ng Pilipinas na palakasin ang ugnayan kasama ang Japan at palawigin ang ating kooperasyon sa ASEAN Bloc.

“This golden anniversary presents a unique opportunity to not only celebrate past achievements but also chart a brighter, more prosperous future for our region,” ani Romualdez.

Naniniwala ang lider ng Kamara, na bahagi ng opisyal na delegasyon ng Pangulong Marcos sa Tokyo Summit na gaganap na isang mahalagang papel ang Chief Executive sa pagsulong ng mga mahahalagang talakayan sa mga isyu sa rehiyon, kabilang ang pinahusay na kooperasyong pang-ekonomiya ng Japan-Philippines.

Pagkakataon din aniya ang naturang pulong para isulong ang pinahusay na maritime at security cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Japan, lalo na sa pagpapaunlad ng katatagan ng rehiyon at pagtugon sa mga maritime challenges na kinakaharap ng ating bansa sa West Philippine Sea, ayon kay Romualdez.

“President Marcos’s presence at the summit signifies the Philippines’ readiness to actively engage in charting a path towards a more vibrant and united ASEAN-Japan community.” Ani Romualdez

Kumpiyansa si Romualdez na ang malalim na pananaw ng Pangulo at hindi natitinag na pangako sa kooperasyong panrehiyon ay magbibigay daan para sa mga konkretong hakbangin at magreresulta sa mga kasunduan na hindi lang pakikinabangan ng Pilipinas at Japan kundi lahat ng miyembrong estado ng ASEAN.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us