Natuloy ng maayos at mapayapa sa pangkalahatan ang ginanap na Liga ng mga Barangay (LnB) chapter elections sa buong bansa.
Sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. bagamat na-postpone ang LnB election ay natuloy naman ito ng maayos. Wala namang natatanggap na report ng aberya ang DILG sa naganap na eleksyon.
Nauna rito, naglabas ng LnB Memorandum Circular (MC) Nos. 2023-001 at 002 ang Liga na nag oobliga ng full payment ng membership dues bago ang Agosto 31, 2023 bago sila makalahok sa chapter elections.
Gayunman, nakipag-usap si Abalos sa LnB na nag-udyok sa huli na alisin ang requirement ng pagbabayad ng membership dues bilang prerequisite para sa paglahok sa halalan.
Katwiran ng kalihim na may mga barangay na nagpalit na ng kapitan at hindi pa naka-fully paid.
Sinabi ni Abalos na kailangan lamang i-update ng liga chapters ang kanilang Liga membership dues bago sila makalahok sa provincial, regional at national elections sa susunod na taon.| ulat ni Rey Ferrer