Alas-9:30 ng umaga, oras sa Japan at 8:30 am naman sa Pilipinas magsisimula ang aktibidad ngayon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kaugnay ng pakikilahok sa Commemorative Summit for the 50th anniversary of ASEAN-Japan Friendship Cooperation.
Unang dadaluhan ng Pangulo ang plenary session patungkol sa review of ASEAN- Japan relations / Partners for Peace and Stability na susundan ng 2nd session na tinawag na Heart to Heart Partners across Generations.
Kasunod nito’y ang session 3 na partners for co-creation of economy and society of the future na susundan ng closing session.
Ang susunod na aktibidad ng Pangulo ay ang gagawing keynote speech sa creative economy and sustainable economy through innovation event.
Susundan ito ng summit meeting and witness exchange of signed agreements na dadalluhan ng Pangulo at ni Japanese Prime Minister Fumio Kishada.
Susundan pa ito ng dalawa pang aktibidad kabilang na ang gagawing pagdalo sa Gala dinner. | ulat ni Alvin Baltazar