Nasa may 17 mga business agreements sa pagitan ng Pilipinas at ng Japan ang umuusad na at nasa yugto na ng pagpoproseso ng kanilang rehistro sa Board of Investment (BOI) at Philippine Economic Zone Authority (PEZA).
Ito ang sinabi ni DTI secretary Alfredo Pascual sa panayam ng Philippine Media delegation sa harap ng aniyay tuloy-tuloy na follow through sa iba pang pledges at MOU na napag-usapan sa una ng biyahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Japan noong nakalipas na Pebrero.
Ayon Kay Pascual, mayroon na ring siyam na una ng nangakong investors na mamumuhunan sa bansa ang nag-ooperate na sa Pilipinas.
Ang iba naman ay tapos at nakakumpleto na sa kanilang pagrerehistro at dumaan na sa approval ng BOI or PEZA.
Ang mga ito ani Pascual ay nagsisimula ng iproseso na dalhin ang kanilang investment sa bansa.
Pinakamabilis sabi ni Pascual na makapag set up ng negosyo na nahikayat mag invest sa bansa ay ang IT- BPM o ang Information Technology and Business Process Management.
Sa ngayon ayon sa Kalihim ay may apat na kumpanya ang nais na mag expand pa ng kanilang negosyo. | ulat ni Alvin Baltazar