Inilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang isang panibagong labor advisory na maglalatag ng mga alituntunin sa pagpapabayad para sa paparating na special non-working day sa December 26.
Ang nasabing Labor Advisory ay sang-ayon sa inilabas ng Palasyo na Proclamation No. 425 na isang special day sa buong bansa ang December 26.
Binibigyang diin sa advisory ang “no work, no pay” principle, malban na lamang kung ito ay itinakda ng kumpanya, nakasanayan, o napagkasunduan sa ilalim collective bargaining agreement.
Ayon din sa adisory, ang mga manggagawang nasa trabaho ng araw na iyon ay maaarin umasa ng karagdagang 30% sa kanilang basic wage para sa unang walong oras sa trabaho at bayad sa overtime.
Habang ang mga nagtatrabaho naman sa kanilang araw ng pahinga ay tatanggap ng karagdagang 50% sa unang walong oras.
Hinikikayat naman ng DOLE ang publiko na makipag-ugnayan sa kanilang mga tanggapan kung may mga katanungan ukol sa sahod sa pamamagitan ng pag-contact sa kanilang 24/7 hotline 1349 o direktang magmensahe sa kanialng official Facebook page. | ulat ni EJ Lazaro