Dalawang araw nang tuloy-tuloy ang pagpapakawala ng tubig sa Angat at Ipo Dam sa Luzon.
Sa ulat ng PAGASA Hydrometeorology Division hanggang kaninang umaga, mataas pa rin ang water elevation ng dalawang dam.
Nasa 213.01 meters ang water elevation ng Angat Dam na mataas sa 212 meters normal high-water elevation nito.
Habang ang kasalukuyang water elevation naman ng Ipo Dam ay nasa 100.74 meters na halos pantay na sa 101 meters normal high-water elevation.
Dalawang gate ang binuksan na sa Angat dam na may gate opening na 0.1 meter mula sa isang gate lamang kahapon.
Nanatili sa isang gate ang bukas sa Ipo dam na may gate opening na 0.7 meters. | ulat ni Rey Ferrer