Pinaalalahanan ng Philippine Coast Guard (PCG) at ng Coast Guard Human Resource Management Command (CGHRMC) ang publiko sa pag-iwas sa pagtangkilik ng mga balita ukol sa recruitment sa kanilang hanay mula sa mga pekeng Facebook at Viber Chat.
Ayon sa PCG, may ilan umanong Facebook at Viber chat ang nagre-recruit umano para sa kanilang ahensya kahit tapos na ang recruitment cycle nito para sa taong 2023.
Pinag-iingat din ng PCG ang publiko sa mga kumakalat na maling impormasyon patungkol dito. Dagdag pa ng PCG, tanging ang kanilang official Facebook page lang ang awtorisadong Facebook page sa paglalabas ng mga PCG recruitment updates.
Bukas ang tanggapan ng PCG para sa mga report ng iregularidad tulad nito. | ulat ni EJ Lazaro