Inilunsad ng Philippine National Railways (PNR) kasama ang Department of Transportation (DOTr) ang Oplan Biyaheng Ayos Krismas 2023 para sa kaligtasan ng mga biyahero ngayong papalapit ang araw ng Pasko at Bagong Taon.
Sang-ayon dito ay magtatayo ang PNR ng mga help desks sa piling istasyon nito, tulad sa Tutuban, Governor Pascual, Alabang, Lucena, Sipocot, Naga, at Ligao, upang magbigay ng tulong at sumagot sa mga katanungan o hinaing ng mga pasahero.
Nakaantabay din ang medical team ng PNR sa Tutuban Station Clinic para sa mga pasaherong mangangailangan ng tulong medikal.
Mayroon ding mga first aid kit ang bawat tren upang magamit kung kinakailangan.
Magtatalaga rin ang PNR ng 69 na security personnel sa iba’t ibang istasyon upang magpatupad ng mahigpit na seguridad mula December 16 hanggang January 5, 2024.
Ipinapaalala naman ng PNR sa mga pasahero na sumunod sa seguridad para hindi maantala ang kanilang biyahe. | ulat ni EJ Lazaro