Nakikita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Japan na isang major player sa pagkakamit ng mas malagong ekonomiya sa Southeast Asia.
Sa intervention ng Pangulo sa ASEAN-Japan Commemorative Summit Session Two ay inihayag nitong tiwala siyang mas yayabong at lalawak pa ang ASEAN-Japan Comprehensive Economic Partnership Agreement gayundin ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) Agreement.
Dagdag ng Chief Executive na ang pagkadaragdag ng “ASEAN-Japan Economic Co-Creation Vision” ay makakaambag din upang makamit ang mas malakas na economic relation.
Inihayag din ng Pangulo na handa ang Pilipinas na makipagtulungan sa Japan sa gitna ng mga inisyatibo na inilatag sa Action Plan for Innovative and Sustainable ASEAN-Japan Economic Co-Creation 2023 – 2033.
Idinagdag rin ng Chief Executive na ang Pilipinas, bilang isa sa mga bansang pinakamahina sa mga negatibong epekto ng pagbabago ng klima, ay itinataguyod ang mga bagong teknolohiyang pang-agrikultura at ang pagbuo ng isang climate change-resilient, sustainable, inclusive, at people-centered na ASEAN-Japan Strategic Economic Cooperation Roadmap mula 2025 pataas sa susunod na 10 taon.| ulat ni Alvin Baltazar