Pinag-aaralan na ng Governance Comission for GOCC’s (GCG) ang panukalang i-merge ang dalawang government owned bank institution sa bansa na Landbank of the Philippines (LBP) at Development Bank of the Philippines (DBP).
Ayon kay GCG Chairperson Alex Quiroz na tinitignan pa nila ang mga specifics at iba pang legal matters sa naturang pagme-merge ng dalawang bangko.
Dagdag pa ni Quiroz, na kanilang sisiguruhin na hindi magkakaroon ng anumang conflict ang pagme-merge ng Landbank at Development Bank at bagkus ay magkakaroon ng malaking benepisyo sa publiko.
Kaugnay nito, pangalawa ang LandBank sa may pinakamalaking universal bank sa bansa na may total assets na ₱2.76-trillion pesos at pinangunahan naman ito ng bdo na mau ₱3.73-trillion pesos. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio
?: PTV