British Investment Partnership na layong pondohan ang high impact infra program ng Marcos Jr. administration, inilunsad sa Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maituturing na “major win” para sa Philippine Development and Finance” ang inilunsad na British Investment Partnership (BIP) ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno.

Ang BIP ay partnership ng Pilipinas at United Kingdom (UK) government na naglalayong imobilize ang £8-billion financing hanggang 2025.

Ito ay para sa high impact target areas gaya ng green infrastructure, clean technology, at climate finance.

Ayon kay Diokno, augmentation ito ng “Build Better More” infrastructure program ng Marcos Jr. administration na siyang magdudulot ng high-quality, and green jobs para sa mga Pilipino.

Dagdag pa ng kalihim, sa pamamagitan ng British Investment Partnerships, nakatakdang ipagkaloob ng UK government ang tunay na pagbabago sa modern and post-pandemic world.

Ang UK ay 80 taon nang strategic development partner ng bansang UK.  | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us