Pagpaparusa sa mga nagnanakaw ng bank, e-wallet details, pasado na sa 2nd reading

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa pamamagitan ng viva voce voting ay pinagtibay ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikalawang pagbasa ang House Bill 7393 o Anti-Financial Account Scamming Act.

Layon nitong protektahan ang publiko na manakawan ng bank at e-wallet details at kanilang pera.

Papatawan ng anim na buwan hanggang anim na taong pagkakakulong at/o multa na ₱100,000 hanggang ₱200,000 ang money mule o mga nagnanakaw, kumukuha, tumatanggap, naglilipat, o nagwi-withdraw ng pera o pondo sa mga banko o e-wallet.

Ang mga sangkot naman sa social engineering scheme o panloloko para makuha ang confidential o personal na impormasyon ng mga may-ari ng bank account o e-wallet, ay papatawan ng kulong na anim hanggang 12 taon at/o multang ₱200,000 hanggang ₱500,000.

Kung sindikato ang gumawa nito, ituturing itong economic sabotage na ang parusa ay habambuhay na pagkakakulong at multang ₱1-milyon hanggang ₱5-milyon.

Bibigyang kapangyarihan naman ang Bangko Sentral ng Pilipinas na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay na naturang krimen, humingi ng cybercrime warrants at orders salig sa Cybercrime Law, at humingi ng tulong ng mga law enforcement agency sa gagawing pag-iimbestiga.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us