Immigration procedures sa mga paalis na pasahero, babaguhin ng DOJ

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) ang ginagawa nila ngayon na pagbabago sa immigration procedures sa mga palabas na pasahero, kasunod ng mga nabunyag na pag-abuso ng ilang immigration officers.

Partikular na gumagawa ng revision ng departure formalities ang Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ng DOJ.

Layon nito na mapabilis ang pagproseso sa mga pasahero, makaraang maiwan ng flight at ma-offload ang ilang pasahero matapos magtanong ng mga hindi naman kailangan ang ilang immigration officers.

Tiniyak din ng DOJ, na pananagutin sa batas ang mga umabusong immigration officers.

Ayon sa DOJ, masusi ring pag-aaralan ng IACAT ang proseso para matiyak na hindi makakalusot ang human traffickers lalo na at nag-iba na rin ng estilo ang mga sindikato. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us