Naglunsad kaninang hapon si Governor Niño Uy ng on-site monitoring sa mga bayan ng Manay at Caraga, at inusisa ang kasalukuyang sitwasyon sa mga bayan na nabanggit na grabeng naapektuhan ng bagyong Kabayan na nag-landfall kaninang 9:30 ng umaga sa bayan ng Manay, Davao Oriental.
Si Governor Uy, kasama si Deputy Governor Nestor Uy, ay nakipagtalakayan kay Caraga Municipal Mayor Ronnie Osnan para matugunan ang mga interventions sa mga apektadong kumunidad. Nakipagkita rin siya sa mga opisyal ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Manay.
Ang provincial governor ay gumawa ng proactive measures sa pamamagitan ng pag-deploy ng mga resources at personnel
simula pa kahapon, kung saan, kaniya nang ipinaposisyon ang mga suplay at ipinahanda ang mga resources ng mga local government unit ng Davao Oriental.| ulat ni Nitz Escarpe| RP1 News