Bahagyang pagtaas ng kaso ng COVID-19, manageable pa – DOH

Muling nagpaalala si health secretary Teodoro Herbosa sa publiko na gumawa ng mga hakbang para protektahan ang sarili sa gitna ng bahagyang pagtaas ng COVID-19 cases at mga respiratory illnesses sa bansa. Sa pagdinig ng Senate Committee on Health ngayong araw, sinabi ni Herbosa na kabilang sa mga pag-iingat na ito ang pagsusuot ng face… Continue reading Bahagyang pagtaas ng kaso ng COVID-19, manageable pa – DOH

Talomo Police Station sa Davao City, nagsagaw ng water level monitoring bunsod ng patuloy na pag-ulang hatid ng LPA

Nagsagawa ng water level monitoring ang Talomo Police Station sa Davao City ngayong gabi, Disyembre 18, 2023 bunsod ng malakas na buhos ng ulan dala ng nalusaw na Tropical Depression #KabayanPH na ngayo’y ganap na low pressure area (LPA) na lamang. Sa mensaheng ipinadala ni Davao City Police Office (DCPO) Spokesperson Capt. Hazel Tuazon sa… Continue reading Talomo Police Station sa Davao City, nagsagaw ng water level monitoring bunsod ng patuloy na pag-ulang hatid ng LPA

Philippine Red Cross, nagbigay ng hot meals sa mga stranded na pasahero sa Luzon at Visayas dahil sa bagyong Kabayan

Namahagi ang Philippine Red Cross (PRC) ng hot meals sa mga stranded na pasahero sa iba’t ibang pantalan sa Luzon at Visayas matapos na makansela ang biyahe dahil sa epekto ng bagyong #KabayanPH. Ayon kay PRC Chairman at CEO Richard Gordon, nagpadala ang PRC ng volunteers at food trucks sa mga pantalan upang tumulong at… Continue reading Philippine Red Cross, nagbigay ng hot meals sa mga stranded na pasahero sa Luzon at Visayas dahil sa bagyong Kabayan

Philippine Red Cross, rumesponde sa mga stranded na pasahero sa Ubay, Bohol dahil sa Bagyong Kabayan

Naghatid ng tulong ang Philippine Red Cross (PRC) sa ating mga kababayan natin na stranded sa mga pantalan dahil sa Bagyong Kabayan. Ayon sa PRC, agad na rumesponde at namigay ng hot meals ang PRC Bohol Chapter sa mga na-stranded na pasahero sa Munisipalidad ng Ubay. Naka-alerto at nakahanda na rin ang PRC sa anumang… Continue reading Philippine Red Cross, rumesponde sa mga stranded na pasahero sa Ubay, Bohol dahil sa Bagyong Kabayan

LTO Road Safety at IT Hub, inilunsad ngayong araw

Pormal na inilunsad ngayong araw ang Road Safety at IT Hub ng Land Transportation Office (LTO) na layong paigtingin ang road safety at maipabatid sa publiko ang basic rules sa kalsada. Pinangunahan ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang paglulunsad ng Road Safety Interactive Center sa LTO Head Office Compound sa Quezon City. Tampok dito ang… Continue reading LTO Road Safety at IT Hub, inilunsad ngayong araw

Davao Oriental governor, inusisa ang sitwasyon ng mga bayan ng Manay at Caraga matapos mag-landfall ang bagyong #KabayanPH

Naglunsad kaninang hapon si Governor NiƱo Uy ng on-site monitoring sa mga bayan ng Manay at Caraga, at inusisa ang kasalukuyang sitwasyon sa mga bayan na nabanggit na grabeng naapektuhan ng bagyong Kabayan na nag-landfall kaninang 9:30 ng umaga sa bayan ng Manay, Davao Oriental. Si Governor Uy, kasama si Deputy Governor Nestor Uy, ay… Continue reading Davao Oriental governor, inusisa ang sitwasyon ng mga bayan ng Manay at Caraga matapos mag-landfall ang bagyong #KabayanPH

DSWD, magsasagawa ng holiday treat para sa mga residente ng mga agency center at facility ngayong Pasko

Nakatakdang magsagawa ng holiday festivities ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga residente ng lahat ng managed centers at residential care facilities nito. Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, gagawin ito sa Araw ng Pasko, sa Disyembre 25 at Bagong Taon Enero 1. Layon ng aktibidad na ibahagi ang diwa ng… Continue reading DSWD, magsasagawa ng holiday treat para sa mga residente ng mga agency center at facility ngayong Pasko

P450-billion na unprogrammed fund sa ilalim mng 2024 GAB, pinave-veto ni Sen. Pimentel

Hinikayat ni Senate Minority Leader Koko Pimentel si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na i-veto ang P450-billion unprogrammed fund na nasa ilalim ng nabuong panukalang 2024 budget ng Kongreso. Ito ayon kay Pimentel ay para maiwasan na makwestiyon sa korte suprema ang maaaprubahang pambansang pondo sa susunod na taon. Matatandaang una nang kinuwestiyon ni Pimentel… Continue reading P450-billion na unprogrammed fund sa ilalim mng 2024 GAB, pinave-veto ni Sen. Pimentel

P1 bilyon pondo para sa Nursing Education Support Fund, itinutulak sa Kamara para tugunan ang kakulangan sa nurse

Ipinapanukala ni Makati Representative Luis Campos Jr. ang paglikha ng P1 billion special education fund upang matugunan ang kakulangan ng nurse sa bansa. Sa inihain nitong House Resolution 1510, hiniling ni Campos sa House committee on Appropriations ang pagkakaroon ng Nursing Education Support Fund, para makapagbukas ang 73 state universities and colleges (SUCs) na hindi… Continue reading P1 bilyon pondo para sa Nursing Education Support Fund, itinutulak sa Kamara para tugunan ang kakulangan sa nurse

Pag-amyenda sa saligang batas ng walang partisipasyon ng senado, unconstitutional ayon kay Sen. Pimentel

Iginiit ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na imposible at labag sa konstitusyon ang pag-amyenda ng saligang batas ng walang partisipasyon ng Senado. Ang pahayag na ito ni Pimentel ay kasunod ng mga ideya ng ilang kongresista na isulong ang charter change (chacha) nang walang partisipasyon ng Mataas na Kapulungan. Sinabi ng minority leader na… Continue reading Pag-amyenda sa saligang batas ng walang partisipasyon ng senado, unconstitutional ayon kay Sen. Pimentel