Pangkalahatang naging mapayapa ang unang tatlong araw ng Simbang Gabi.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief at Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, walang major untoward incident na naitala sa loob ng naturang panahon at wala ding na-monitor na seryosong banta sa seguridad.
Gayunman, hindi aniya nagpapaka-kampante ang PNP, at pananatilihin ang kanilang pro-active stance at enhanced managing Police operations.
Ipinag-utos aniya ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang maximum deployment ng mga pulis simula pa lang ng gabi ng December 15.
Bukod sa mga simbahan, nakatutok din aniya ang mga pulis sa mga pasyalan, transport hubs, at iba pang places of convergence hanggang sa matapos ang taon. | ulat ni Leo Sarne
📸: PNA